Asset ng mga tanod, itinumba ng ex-convict
March 13, 2005 | 12:00am
Isang lalaki na umanoy asset sa barangay ang nasawi matapos na hatawin ng kahoy sa ulo ng isang ex-convict na naghiganti dahil sa ginawang pagpapahuli ng una sa huli, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Hindi na nagawang itakbo sa pagamutan sanhi ng pagkabasag ng bungo ang biktimang si Reynald Ilumin, 28, ng Block 11, Lot 14, Celina Homes 2, Phase 5, Deparo ng nasabing lungsod.
Nakilala naman ang suspect na agad na nadakip matapos ang isinagawang krimen na si Ruben Ramos, 25, na kinasuhan ng murder.
Isa pang kasamahan ni Ramos na nakilalang si Allan Antonio, 25, ang nadakip din ng mga awtoridad.
Batay sa ulat, dakong alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Maranaw St. sa Deparo ng nabanggit na lungsod.
Kasalukuyan umanong naglalakad ang biktima kasama si Leonardo Zuniga nang biglang sumulpot sa kanilang harapan ang mga suspect na pawang armado ng kahoy at samurai.
Bigla na lamang umanong pinaghahataw ng mga suspect ng kahoy sa ulo ang biktima at saka mabilis na nagsitakas.
Gayunman, mabilis na nakaresponde ang mga tanod at nadakip sina Ramos at Antonio.
Nabatid sa isinagawang imbestigasyon na matagal nang may galit ang suspect na si Ramos kay Ilumin sa akalang ang huli ang nagturo sa kanya sa mga awtoridad kaya siya nakulong kamakailan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended