Rugby boys umatake: 1 patay, 1 pa grabe
March 13, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang binata, habang nasa malubha namang kalagayan ang kaibigan nito nang mapagtripang saksakin ng tropa ng mga rugby boys, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Dead on arrival sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Christopher Celestial, 19 , residente ng #49 Kaligayahan St. Brgy. Holy Spirit matapos na magtamo ng maraming saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan. Samantalang nasa pagamutan pa rin ang kaibigan nitong si Mark Winston Amorsolo na sinaksak sa likod at tiyan.
Agad namang naaresto ang isa sa mga suspect na si Henry Mabale, 17, habang nagawang makatakas ng tatlo pa nitong kasamahan.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:40 ng madaling-araw sa panulukan ng Quezon Avenue at Sct. Borromeo habang naghihintay ng jeep ang mga biktima.
Biglang lumapit ang grupo ng mga suspect na may tangang supot na may lamang rugby at patalim at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang mga biktima at saka nagsitakas.
Nakita ng mga ilang nagrorondang barangay tanod ang insidente kung kayat hinabol ang mga suspect na ikinadakip ni Mabale.
Sasampahan ng kasong homicide at frustrated homicide si Mabale habang pinaghahanap ang tatlong iba pa. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest