P10-M pirated VCD, DVD nasamsam
March 12, 2005 | 12:00am
Tinatayang aabot sa P10 milyon ang halaga ng mga pirated VCD at DVD na nasamsam at dinurog nina Manila Mayor Lito Atienza Jr. at Optical Media Board (OMB) chairman Edu Manzano, kahapon ng umaga sa Andres Bonifacio Shrine, Manila.
Dakong alas-10 ng umaga ng pangunahan nina Atienza, Manzano at NCRPO chief Avelino Razon ang pagdurog sa may limang truck ng mga pirated VCD na boluntaryong isinurender ng mga negosyante sa lugar lamang ng Quiapo.
Ayon kay Atienza nasa tamang oras lamang ang pagsusurender ng mga pirated VCD, ito ay isang araw bago ipatupad ang Optical Media Act of 2003 ngayong araw na ito.
Sa ilalim ng naturang regulasyon, mayroon ng moratorium ang OMB upang kumpiskahin ang mga pirated VCDs at hindi na ito isang opsyunal sa mga susunod na araw. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended