^

Metro

Roldan case didesisyunan kung ibabalik sa DOJ

-
Magdidesisyon ang Pasig Regional Trial Court kung ibabalik nila o hindi sa Department of Justice (DOJ) ang kasong kidnapping laban sa aktor at dating congressman na si Dennis Roldan.

Dahil dito, nakatakdang mag-set ng hearing si Judge Agnes Reyes ng Pasig RTC Branch 261 sa ganap na alas-2 ng hapon kung saan aalamin kung pagbibigyan ba nila ang motion ni Sigfried Fortun, abogado ni Roldan para sa preliminary investigation sa DOJ.

Sa motion na inihain ni Fortun noong Martes, sinabi nito na kailangang bigyan ng tsansa para sa preliminary investigation ang kanyang kliyente (Roldan) sa DOJ sa kanyang kasong kinakaharap.

Nauna rito, pumirma si Roldan ng waiver para huwag nang dumaan sa preliminary investigation dahilan upang tuluyan na siyang sampahan ng kasong kidnapping sa korte ng DOJ.

Subalit sa mosyon ni Fortun na ipinasususpinde niya ang proceedings ng kaso dahil sinasabi nitong binabawi na nito ang pinirmahang waiver. (Ulat ni Edwin Balasa)

DAHIL

DENNIS ROLDAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDWIN BALASA

FORTUN

JUDGE AGNES REYES

MAGDIDESISYON

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

ROLDAN

SIGFRIED FORTUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with