Ayon kay Atty. Antonio Ante, abogado ni Olivares na hindi pa umano pinal at executory ang arrest warrant laban sa kanyang kliyente dahil mayroon pa silang limang araw para magsumite ng motion for reconsideration sa sala ni Parañaque RTC Judge Fortunito Madrona ng Branch 272.
Sinabi ni Ante na hindi sinadya na hindi siputin ni Olivares ang korte kaya lang ay inatake ito ng nerbiyos dahil sa sunud-sunod na death threats na natanggap sa telepono mula sa hindi nagpakilalang caller sa bahay nito.
Hindi rin kumuha ng police security escort ang dating alkalde dahil wala aniya itong tiwala sa mga pulis ng Parañaque.
Nauna rito, nabatid na nag-file si Olivares ng transfer of venue sa pagdinig sa kaso nito sa Supreme Court dahil naniniwala umano ito na namamanipula at maiimpluwensiyahan ng mga nakaupong nanunungkulan ang kanyang kaso.
Inirekomenda ng hukuman ang pagbabayad ni Olivares ng halagang P5,000 para sa pansamantala nitong kalayaan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)