10 pang bomber ng ASG nasa Metro
March 9, 2005 | 12:00am
Hindi pa ligtas sa banta ng terorismo ang Metro Manila hanggat hindi nadarakip ang sampu pang bomb expert ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na posibleng maghasik pa ng pambobomba.
Dahil dito, sinabi ni AFP-National Capital Region Command (NCRC) chief Lt. Gen. Alan Cabalquinto na puspusan ang kanilang isinasagawang operasyon upang maaresto ang nasabing bilang ng mga ASG bombers.
Kabilang sa mga ginagawang hakbang ng AFP-NCRC ay ang mahigpit na pagtugaygay sa mga tinaguriang sleeper cells ng ASG sa Maharlika Village sa Taguig City at Culiat District sa Quezon City.
Nakadepende umano ang mga terorista sa kanilang sleeper cells na naglie-low lamang matapos na masakote ang kanilang mga kasamahang bombers at posible aniyang tumitiyempo lamang ang mga ito.
Ang supplier ng eksplosibo na ginamit sa Valentines Day bombing sa Makati City na si Gappal Bannah, alyas Boy Negro ay nagtago sa Maharlika Village, gayundin si Rahib Buday na sangkot naman sa bomb attack sa Cinema 6 ng SM Megamall noong Mayo 21, 2000.
Ayon pa kay Cabalquinto, isinagawa ng ASG ang pag-atake upang ilihis ang atensyon ng militar sa isinasagawang opensiba laban sa mga renegades ng MNLF sa Mindanao.
Posible rin umanong magbago ng modus-operandi ang mga teroristang grupo kayat kinakailangang maging vigilante hindi lamang ang mga awtoridad kundi maging ang publiko. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended