Ayon kay Datu Amerol Gulam Ambiong, chairman ng Metro Manila Muslim Peace and Order Coordinating Council, kailangang maitigil agad ang nagaganap na bakbakan sa pagitan ng AFP at mga rebeldeng Muslim upang mapigilan ang pagtaas ng mga nasasawing mga sundalo at mga inosenteng sibilyan.
Nanawagan din ito kay Nur Misuari, chairman ng Moro National Liberation Front (MNLF) na iutos na sa kanyang mga tagasunod na tumigil na sa pakikidigma.
Sinabi ni Ambiong na hindi solusyon ang karahasan sa problema ng mga Muslim sa Mindanao at mas nararapat na isipin ng pamahalaan kung paano lutasin ang problema ng Mindanao sa kahirapan na siyang dahilan nang pag-aaklas. (Ulat nina Danilo Garcia at Gemma Amargo)