^

Metro

Bike Patrol gagala sa QC

-
Sa layuning malabanan ang iba’t ibang krimen sa lungsod Quezon, muling binuhay ni Central Police District (CPD) director Chief Supt. Nicasio Radovan, Jr. ang paggamit ng bike patrol ng mga pulis.

Ayon kay Radovan, malaking tulong ang paggamit ng bisikleta sa paghabol sa mga kriminal kahit nasa gitna ng trapiko.

Una nang nabigyan ng bike patrol ang CPD-Kamuning Station na pinamunuan ni Supt. Alfred Corpus. Ang mga bike patrol ay 24 oras na maglilibot sa iba’t ibang lugar na sakop ng nasabing himpilan ng pulisya upang maproteksiyunan ang mga publiko lalo na sa mga madidilim na lugar.

Nabatid na ang 10 bisikleta ay bigay ng Rotary Club of West Cubao samantalang ang East Kamias naman ay nangako na magbibigay ng 20 unit ng mountain bike.

Idinagdag pa ni Radovan na inaprubahan na rin ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte ang pagbili ng 110 bisikleta na ipapamahagi sa mga pulis na ikakalat sa Cubao, Balintawak, Novaliches at Commonwealth na sinasabing madalas ang holdapan.

Matatandaan na inutos ni NCRPO chief Director Avelino Razon sa mga police district ang pagpapaigting ng police visibility sa kani-kanilang mga nasasakupan. (Doris Franche)

ALFRED CORPUS

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHIEF SUPT

DIRECTOR AVELINO RAZON

DORIS FRANCHE

EAST KAMIAS

KAMUNING STATION

NICASIO RADOVAN

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with