Lalaki patay sa trigger happy
March 7, 2005 | 12:00am
Masusing iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang motibo ng pamamaslang sa isang lalaki na pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspect kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Hindi na rin naisalba ng mga doktor sa FEU Hospital ang biktimang si El Niño Carvajal, 29, ng Blk. 2 Lot 1 Phase 1-C Santol Drive Sta. Monica, Novaliches ng nasabing lungsod na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib.
Pinabeberipika naman ni CPD-CIU chief, Sr. Supt. Popoy Lipana sa Land Transportation Office (LTO) kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyang Honda CRV na kulay gray na may commemorative plate sa harap na Mayor at 888 naman sa likod na ginamit ng mga suspect sa pamamaril.
Batay sa ulat ni PO2 Joseph Madrid, naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw sa kahabaan ng Blk. 17, Lot 1 Santol Drive ng nasabing lugar.
Lumilitaw na naglalakad ang biktima nang makasalubong nito ang suspect na sakay ng Honda CRV at walang sabi-sabing binaril ang biktima at saka mabilis na tumakas. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended