Lalaki kritikal sa mister ng kalaguyo
March 6, 2005 | 12:00am
Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang lalaki matapos na saksakin ng asawa ng umanoy kalaguyo nito kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Ginagamot ngayon sa JP Sioson Hospital ang biktimang si Michael Gonzales, 26, ng 1320 Nehemiah St. Jordan Plains Subdivision, Novaliches dahil sa tinamong saksak sa ibabang bahagi ng kaliwang kilikili.
Nakapiit ngayon sa CPD-Baler Police Station ang suspect na si Emeterio Rellosa, 28, cellphone technician at naninirahan sa Building 7, Unit 32, Pag-asa Bliss, Brgy. Pag-asa, Quezon City.
Ayon kay Supt. Raul Petrasanta, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa bahay mismo ng suspect nang makita nito na sinasaktan ng biktima ang asawang si Cherrynette, 25.
Sinabi ng suspect na nagdilim ang kanyang paningin kung kayat agad niyang sinaksak si Gonzales.
Idinagdag pa nito na matagal na siyang nakakarinig ng usapan na mayroong ibang lalaki ang kanyang asawa subalit hindi niya ito pinaniniwalaan alang-alang na rin sa kanilang tatlong anak.
Hindi umano niya inaasahan makikita sa loob pa mismo ng kanyang bahay ang asawa at biktima kung kayat nagawa niya ang krimen.
Nakatakda namang kasuhan ng frustrated homicide sa QC Prosecutors Office si Rellosa. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended