^

Metro

2 utak sa pamemeke ng pera, tiklo

-
Arestado ang dalawang katao na nagpapakalat ng pekeng pera nang magsagawa ng magkasanib na operasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), District Police and Intelligence Unit (DPIU) at Bangko Sentral kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Sa bisa ng search warrant, naaresto sina Tony Espeleta, 42, welder at Jabiguero Rodolfo, alyas Intoy, tricycle driver kapwa residente ng Brgy. Bitik, Gen. T. de Leon, Valenzuela City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga nang maaresto ang mga suspect sa kanilang bahay habang dala-dala ang 40 piraso ng P500 bill; 45 piraso ng P50 bill at 20 piraso ng P200 bill.

Nabatid na bago naganap ang insidente, may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad laban sa pagkalat ng pera ng mga suspect sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Lumilitaw din na may isang taon na ang ilegal na operasyon ng mga suspect dahil umabot na din sa Cavite at Laguna ang pagpapakalat ng pekeng pera.

Kadalasan umanong ibinebenta ng mga suspect ang mga pekeng pera sa mga taxi driver.

Bunga nito, pinag-iingat ng pulisya ang publiko laban sa pagkalat ng mga pekeng pera. (Ulat nina Rose Tamayo at Angie dela Cruz)

ANGIE

ARESTADO

BANGKO SENTRAL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DISTRICT POLICE AND INTELLIGENCE UNIT

JABIGUERO RODOLFO

ROSE TAMAYO

TONY ESPELETA

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with