Newsboy napagkamalang police asset, binoga
March 5, 2005 | 12:00am
Isang newsboy ang pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspect makaraang mapagkamalang police asset, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Agad na nasawi sa lugar nang pinangyarihan ang biktimang si Paquito Cahanap, ng Fork St., Blk. 1 Lakas Bisig San Andres, Cainta, Rizal dahil sa tinamong dalawang tama ng bala sa katawan.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:45 ng umaga ng maganap ang insidente sa may Liwanag St., Brgy. Old Balara ng nasabing lungsod.
Napag-alaman na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar at naglalako ng diyaryo nang bigla na lamang itong barilin ng hindi pa matukoy na suspect.
Nang makitang naliligo sa sariling dugo ang biktima mabilis na tumakas ang suspect dala ang ginamit na baril.
Malaki ang paniwala ng mga awtoridad na napagkamalan umanong police asset ang biktima at inakalang nagsu-surveillance ito kayat binaril.
Wala namang nais na magsalita sa mga residente kung sino ang bumaril sa biktima.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pumaslang at papanagutin sa naganap na pamamaril. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended