Lider ng V-Day bombing sumuko na
March 5, 2005 | 12:00am
Matapos ang 19 na araw na pagtatago sa batas, sumuko na rin ang ikatlo at tumatayong lider ng mga bomber na nagpasabog sa bus sa Makati noong Valentines Day.
Ang suspect na kinilalang si Gappal Bannah, alyas Boy Negro, 24, ay iniharap kahapon sa matataas na opisyal ng PNP sa ginanap na press briefing sa Camp Crame.
Si Bannah na may patong sa ulo na P2.2 milyon ay itinuturong siyang gumawa ng mga bomba na ginamit sa pagpapasabog sa RRCG bus na ikinasawi ng 4 katao at ikinasugat ng 94 na iba pa noong Pebrero 14.
Ayon kay Deputy Director Virtus Gil, PNP Directorate for Administration, na si Bannah ay sumuko kay Brgy. Kagawad German Villaseñor dakong alas-10 ng gabi nitong Huwebes. Si Villaseñor ang siya namang nagsama sa suspect kay Camarines Rep. Rolando Andaya na siyang naghatid sa kustodya ng pulisya.
Ayon kay Gil, walang kapalit na kondisyon ang naging pagsuko ni Bannah, na-pressure sa operasyon ng pulisya at militar kung saan mismong biyenan nito ang nagsaayos ng kanyang pagsuko.
Ang naturang suspect ay tumatayong lider ng dalawa pang nasakoteng bomb expert ng Abu Sayyaf Group (ASG) noong nakalipas na linggo na sina Gamal Baharan, alyas Tapay at Angelo Trinidad, alyas Abu Khalil.
Samantalang, ang ASG ay sinasabing may ugnayan sa Jemaah Islamiyah, ang Southeast Asian-based terror network na naitatag ng Al Qaeda.
Nabatid na itinaas nga sa P2.2 milyon ang reward kay Bannah matapos na sugatan itong makatakas sa raid sa pinagtaguan nitong bahay sa Brgy. Mambulo Nuevo, Libmanan, Camarines Sur.
Si Bannah rin ang itinuturong supplier ng eksplosibong TNT na ginamit sa pagpapasabog sa RRCG bus sa Makati City gayundin ng mga nakumpiskang bomba sa Taguig City noong Pebrero 25.
Samantala, pormal na isinailalim sa inquest proceedings sa DOJ ang sumukong Bannah.
Positibo ring kinilala ni Bannah ang mga nahuling suspects na sina Tapay at Trinidad na kasamahan niya sa naturang operasyon ng pambobomba.
Ipinaliwanag ni Boy Negro na ginawa niya ang pagsuko dahil sa takot na muling utusan ng mga opisyal ng ASG na gumawa ng ano pa mang uri ng karahasan. (Ulat nina Joy Cantos at Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended