Suzette Wang lumutang sa DOJ
March 5, 2005 | 12:00am
Tiniyak ng suspected kidnapper at umanoy girlfriend ni dating Congressman Dennis Roldan na hindi niya tatakasan ang kasong kinakaharap.
Ito ay matapos na humarap ito sa isinagawang preliminary investigation kahapon sa Department of Justice (DOJ), kung saan sinabi nito na sa prosecution na malabo niyang takasan ang kasong kidnapping.
Aniya, napakaraming pagkakataon na maaari siyang lumabas ng bansa at magtungo at magtago sa China ngunit hindi niya ito ginawa dahil na rin sa siya ay inosente sa nabanggit na kaso.
Samantala, sinabi naman ni Meann Dy ng Movement for Peace and Restoration na malaki ang posibilidad na sangkot si Wang sa pagdukot sa biktimang si Kenshi Yu matapos na tawagan nito ang ina ng biktima na si Jenny Yu noong gabi na arestuhin si Roldan at igiit dito na wala siyang kinalaman sa pagkidnap sa naturang biktima.
Aniya, agad na nililinis ni Wang ang sarili gayung hindi pa naman nasasabit ang pangalan nito.
Gayunman, binigyan hanggang Marso 14, 2005 si Wang upang makapagsumite ng kanyang counter-affidavit.
Samantala, pinanumpaan na ng mga suspect na sina Alberto Pagdanganan at Octavio Garces ang kanilang counter-affidavits kung saan itinuturo si Roldan bilang utak sa naturang kaso.
Nabatid na pinagbigyan din ng DOJ ang kahilingan ng mag-asawang complainant na sina Roger at Jennie Yu, mga magulang ni Kenshi Yu na matugunan ang anumang ihahaing salaysay ng mga respondents.
Samantala, tiniyak din ng prosekusyon na bago sumapit ang buwan ng Abril 2005 ay didesisyunan nila ang kaso laban sa mga suspect.
Samantala, ibinasura ng QC-RTC ang petition for habeas corpus na iniharap ng asawa ni Roldan bunga na rin ng kakulangan ng merito ng kaso.
Sa anim na pahinang resolusyon ni QC-RTC Judge Ma. Luisa Padilla ng Branch 215 mananatili pa rin sa kulungan si Roldan. (Ulat nina Grace dela Cruz at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest