Manila Fire: 400 pamilya nawalan ng bahay
February 20, 2005 | 12:00am
Mahigit sa 400 pamilya ang tinatayang nawalan ng bahay samantalang 130 ang malubhang nasugatan sa naganap na sunog, kahapon ng madaling-araw sa Singalong, Manila.
Lumalabas sa ulat ni SFO1 Wilson Tana, arson investigator, dakong alas-4 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag sa bahay ng isang Elvira Dedel ng #2316 Waling-Waling St., Arellano, ng nasabing lugar.
Mabilis namang kumalat ang apoy sa mga katabing bahay at nadamay ang may 20 kabahayan.
Umabot sa Task Force Bravo ang sunog kung saan nasugatan din si FO2 Anthony Dumduma, 32, ng Pandacan Fire station na nagkasugat sa mata.
Bandang alas-6:40 kahapon ng umaga nang ideklarang fire-out ang sunog na tinatayang aabot sa P1 milyon ang pinsala.
Ayon kay Tana, buhat sa isang kandila na umanoy naiwan mula sa bahay ni Dedel ang pinaniniwalaang pinagsimulan ng sunog. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest