^

Metro

Pulis kritikal sa 8 karnaper

-
Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang pamunuan ng Central Police District laban sa walong miyembro ng carnapping syndicate matapos makipagbarilan sa mga pulis na ikinasugat ng isa, kamakalawa ng gabi sa La Loma, Quezon City.

Agaw-buhay pa rin sa Chinese General Hospital ang biktimang si PO3 Joselito Bordeos, nakatalaga sa CPD Mobile Patrol unit na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa leeg.

Ayon kay Supt. Allan Parreno, hepe ng La Loma Police Station ng CPD na bumuo na siya ng dalawang grupo upang tugisin ang mga nasabing suspect na kumarnap sa sasakyan ng negosyanteng si Filbert Cruz.

Sinabi ni Cruz sa mga pulis na kinarnap ng mga hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan ang kanyang kulay maroon na Mitsubishi Adventure na may plakang AGL-925 at tumakas patungong Brgy. Saint Peter ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umanong napapatrulya sina Bordeos at PO3 Ricardo Calampiano nang parahin sila ng biktima at iniulat ang naganap na pangangarnap sa kanyang sasakyan.

Hinabol naman ng mga pulis ang mga suspect kung saan inabutan sa panulukan ng Catalina at Sicaba Sts. sa nabanggit na barangay.

Gayunman, agad silang sinalubong ng putok ng baril ng mga suspect at agad na tinamaan si Bordeos.

Gumanti naman ng putok si Calampiano subalit mabilis nang nakatakas ang mga suspect.

Inabandona ng mga suspect ang kinarnap na sasakyan sa may Brgy. Pag-ibig sa Nayon kasama ang isang guitar case na naglalaman ng M-16 rifle.

Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng gagamitin ng grupo ang kinarnap na sasakyan sa panghoholdap. Nakakuha rin sa loob ng sasakyan ng dalawang magkaibang plaka na maaaring ipapalit sana ng mga suspect sa orihinal na plaka na hindi na nga nila nagawa dahil sa nabulilyaso na ang kanilang operasyon. (Doris Franche)

vuukle comment

ALLAN PARRENO

BORDEOS

BRGY

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DORIS FRANCHE

FILBERT CRUZ

JOSELITO BORDEOS

LA LOMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with