3 Makati bomber tukoy na
February 20, 2005 | 12:00am
Kilala na ng pulisya ang tatlong suspects na responsable sa pagpapasabog sa isang bus sa Makati City noong Valentines Day.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Avelino Razon na ang tatlo ay kinilala mismo ng lumutang na si "Francisco" na sinasabing kasabwat ng mga bomber.
Magugunitang apat katao ang nasawi sa naturang insidente kabilang ang isang babaeng Engineer na halos limang araw sa pagamutan subalit hindi rin nakaligtas sa kamatayan.
Hindi naman nagbigay ng anumang detalye si Razon tungkol sa katauhan ng tatlong suspect, tanging ang sinabi nito ay hindi mga dayuhan ang mga ito.
Inihayag pa ng NCRPO chief na halos mahigit na sa kalahati ang resulta ng isinasagawa nilang imbestigasyon at sinisimulan na rin ang manhunt operation laban sa mga kinilalang suspect.
Ang suspect na si "Francisco" ay lumutang sa pulisya at nagsabing kilala niya ang grupong nagpasabog sa Makati. Tatlo nga dito ang kanya nang kinilala sa pulisya.
Magugunitang tatlong pagsabog ang naganap noong Valentine isa ay sa Davao City, Gen. Santos at ang pinakahuli nga ay sa Makati.
Agad namang inako ng grupo ng Abu Sayyaf ang responsibilidad sa naganap na serye ng pagpapasabog na ayon sa kanila ay ganti laban sa administrasyong Arroyo kaugnay ng ginawa nitong air strike sa Mindanao. (AFP)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended