^

Metro

Mark Anthony Fernandez gagamitin sa anti-drug campaign

-
Nakatakdang kunin ng anti-drug operatives ng Philippine National Police (PNP) ang serbisyo ng aktor na si Mark Anthony Fernandez kaugnay ng pinalakas na kampanya laban sa illegal na droga sa bansa.

Si Fernandez ay nakatakdang lumaya ngayong araw mula sa Bicutan Rehabilitation Center matapos ang anim na buwan simula ng ipasok ito dito bunga ng pagkakalulong sa bawal na gamot.

Sinabi ni P/Deputy Director General Ricardo de Leon, Chief ng PNP-Anti-Illegal Drug-Special Operations Task Foce (PNP-AID-SOFT, pormal ng ibibigay ang kustodya sa batang Fernandez sa kaniyang mga magulang dakong ala-1 ng hapon.

Nabatid na si Mark, anak ng aktor na si Rudy Fernandez sa aktres na si Alma Moreno ay ipinasok sa nasabing rehabilitation center may anim na buwan na ang nakalilipas. Siya ay panganay sa limang anak ni Moreno, isa sa hari ng komedya na si Dolphy at tatlo mula sa aktor at dating Parañaque City Mayor Joey Marquez.

Ang 24-anyos na si Mark ay nasangkot sa serye ng petty crimes simula ng maging teenager pero nitong nakalipas na taon ay isinailalim sa rehabilitation center matapos na mapatunayang positibo sa paggamit ng illegal na droga.

Ayon sa mga awtoridad, ito ang ikalawang pagkakataon na si Mark ay isinailalim sa drug rehabilitation center ng gobyerno. (Joy Cantos)

ALMA MORENO

BICUTAN REHABILITATION CENTER

CITY MAYOR JOEY MARQUEZ

DEPUTY DIRECTOR GENERAL RICARDO

DRUG-SPECIAL OPERATIONS TASK FOCE

JOY CANTOS

MARK ANTHONY FERNANDEZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RUDY FERNANDEZ

SI FERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with