Bata patay, 20 pa sugatan sa vehicular accident
February 14, 2005 | 12:00am
Isang 2 anyos na batang lalaki ang maagang nasawi habang sugatan naman ang 20 pang pasahero makaraang magsalpukan ang isang pampasaherong jeepney at kasalubong nitong taxi sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Margalito Bernales, ng Block 36, Lot 6, Salaysay St., Dagat-Dagatan, Valenzuela City.
Kasalukuyan namang ginagamot sa pagamutan ang mga sugatang sina Allan Bernales, tsuper ng jeepney; Virginia Garancho, 36; Roldan Bautista, 26; Adelina Balena, 54; Docila Romasis, 71; Angelina Tuazon, 44; Rosemart Martinez, 50; Percival Contreras, 27 ; Cristina Dador, 19; Antonio Josefa Clores, 32; Cecilia Rapsin, 65; Jun Colorado, 33 ; Luisia Celestia, 23; Naneth Martinez, 30; at iba pa.
Kabilang pa sa mga sugatan ay ang driver ng nabanggang taxi na si Alfredo Orbono; mga pasahero nitong sina Renerio Glinnofia; asawang si Mary Ann at anak na si Gelo.
Sa ulat ni WPD-Traffic Management Bureau Chief P/Sr. Supt. Cezar Javier, naganap ang sakuna dakong alas-12 ng madaling-araw sa panulukan ng Oroquetta at Yuseco St., Sta. Cruz, Maynila.
Nabatid na galing sa prayer rally ng El Shaddai sa Rizal Park ang mga pasahero ng naturang jeepney nang bigla itong sumalpok sa Ken-Ken taxi kung saan sakay naman ang mag-anak ni Glinnofia.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumaob ang jeepney na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended