DepEd official, 5 pa timbog sa pagnanakaw ng school supplies
February 13, 2005 | 12:00am
Dinakip ng mga tauhan ng Taguig City Public Order and Safety Office (POSO) ang isang property custodian ng Department of Education (DepEd) Taguig-Pateros District kasama ang lima pa sa kasong pagnanakaw ng school supplies sa C.P. Tinga Elementary School ng Brgy. Hagonoy sa nasabing lungsod.
Kinila ni POSO Chief Lt. Jesus S. Meribo ang suspect na sina Constancio R. Quisumbing, 57; Henry P. Sabangan, 35; Jose B. Chavez, 53; Joel C. Chavez, 27; Reysam C. Chavez at Eric B. Condoy, 19.
Nabatid na nadiskubre ni Maria Theresa Umali, head ng City Governments Education Office ang mga nawawalang school supplies mula sa DepEd Warehouse ng nasabing eskuwelahan.
Dahil dito, kaagad nagsagawa ng pagsisiyasat ang POSO na ikinadakip ng mga suspect.
Nabatid na dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang idispatsa ni Meribo ang kanyang mga tauhan sa nakuha nilang impormasyon na pinagpupuslitan ng mga school supplies. Dito ay naaktuhan nina Lt. Antonio Manriza ang pagnanakaw ng mga school supplies na inilulan sa isang pampasaherong jeep na may plakang DGZ-176 mula sa naturang warehouse.
Sinundan ng POSO operatives ang jeep palabas ng C.P. Tinga Elementary School compound at natuklasan nila na ibinababa ang mga nakaw na school supplies sa bahay ni Sabangan sa Brgy. Signal Village. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended