^

Metro

Kongreso pasok sa insidente ng tipus sa Pasay

-
Hiniling kahapon ni Pasay City Rep. Consuelo Dy sa Special Committee on Metro Manila Development na imbestigahan ang pagkalat ng Typhoid fever sa ilang barangay sa Pasay City na nagmula umano sa maruming tubig.

Sa resolusyon ni Dy, sinabi nito na mismong ang team na kinabibilangan ng National Epidemiology Center ng Dept. of Health Office ang nagsagawa ng inspeksyon sa Brgy. 123, Pasay City noong nakaraang buwan kung saan naitala ang 39 katao na may sintomas ng Typhoid fever.

Bago pa aniya magpatuloy ang pagkalat nang naturang sakit ay dapat gumawa na ng paraan ang gobyerno kung paano ito masusugpo.

Kung hindi aniya malilinis ang maruruming tubo ng tubig sa Metro Manila ay posibleng kumalat ang sakit sa iba pang lugar bukod sa Pasay.

Dapat din aniyang tutukan ang kalusugan ng mga bata na mahina pa ang immune system at posibleng maging biktima ng Typhoid fever at iba pang sakit na nanggagaling sa maruming tubig. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BRGY

CONSUELO DY

HEALTH OFFICE

MALOU RONGALERIOS

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

PASAY CITY

PASAY CITY REP

SPECIAL COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with