3 miyembro ng 'Dugo-dugo' gang huli sa akto
February 9, 2005 | 12:00am
Arestado ang tatlong kababaihan na miyembro ng Dugo-dugo gang sa isinagawang entrapment operation ng San Juan police kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga suspect na sina Lorena Cruz, 48; Olivia Cortez, 34, residente ng Letre, Malabon at Sarah de Guzman, 23, ng Morning Breeze, Caloocan City.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspect dakong alas-8:45 sa harapan ng MCU Hospital sa may kahabaan ng EDSA, Caloocan City matapos na magsagawa sila ng entrapment operation nang makipag-ugnayan sa kanila ang isang katulong na si Jocelyn Antonio, stay-in sa Miranda St., Brgy. Sta. Lucia, San Juan, Metro Manila.
Napag-alaman na isang tawag sa telepono ang natanggap ni Antonio mula sa isa sa mga suspect at sinabing naaksidente ang amo nitong negosyante na nakilalang si Monica Ong Lleung at kasalukuyang naka-confine sa MCU Hospital sa Caloocan.
Sinabi ng suspect sa katulong na ipinakukuha ng kanyang amo ang lahat ng pera at alahas nito na nakalagay sa kuwarto at ipinapadala sa harapan ng nasabing ospital.
Matapos ibaba ang telepono ay nagduda ang katulong kaya minabuti nitong makipag-ugnayan sa himpilan ng San Juan police na kaagad namang sumama sa biktima at isinagawa ang entrapment operation.
Matapos iabot ng katulong ang P14,000, HK$5,000 at P80,000 halaga ng alahas sa mga suspect ay agad na pinaligiran ang mga ito ng pulisya kaya hindi na nakapalag ang mga suspect.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspect sa San Juan police habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended