^

Metro

Dalaw sa QC jail hihigpitan ngayong Valentine's Day

-
Hihigpitan ng Quezon City Jail ang pagpapasok ng mga bisita sa kulungan sa darating na Valentine’s Day upang hindi makapasok ang mga babaeng hindi asawa at hindi kamag-anak ng mga preso.

Ayon kay QC Jailwarden Sr. Supt. Ignacio Panti, kailangan nilang ipatupad ang regulasyon ng piitan upang maiwasan ang anumang gulo na dulot ng mga dalaw.

Aniya, hihingan nila ng ID ang mga dadalaw sa araw ng mga puso upang malaman kung sinu-sino ang mga preso na dinadalaw ng kanilang mga asawa at pamilya.

Nilinaw ni Panti na nasa blue alert status ang QC Jail at papayagan nila ang dalaw ngayong Pebrero 14 alang-alang sa paggunita ng araw ng mga puso. Nabatid na walang dalaw ng Lunes ang QC Jail upang bigyan daan ang paglilinis ng kulungan.

Samantala, pinaiigting din ni Panti ang programang "Kontra Balokol" na naglalayong madakip ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa jail na sangkot sa iba’t ibang katiwalian.

Ipinaliwanag ni Panti na agad na inirerekomenda ang pagsasampa ng kaso sa mga jailguards na nasasangkot sa katiwalian at extortion upang hindi na tularan pa ng ibang tauhan ng BJMP. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ANIYA

AYON

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DORIS FRANCHE

IGNACIO PANTI

JAILWARDEN SR. SUPT

KONTRA BALOKOL

PANTI

QUEZON CITY JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with