^

Metro

3,208 colorum vehicles nahuli sa MM

-
Umaabot sa 3, 208 colorum vehicles ang nahuli ng mga tauhan ng Land Transportation Office-National Capital Region sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

Ang nabanggit na bilang ayon kay LTO-NCR Director Rey Berroya ay nahuli sa loob ng isang buwang operasyon simula ng mag-umpisa siya sa tungkulin mula Enero hanggang Pebrero 3, 2005.

"Ang apprehensions na isinagawa ng aking tanggapan ay bilang pagtupad sa kampanya ng ahensiya laban sa mga colorum vehicles at iba pang non-moving traffic violations tulad ng paglabag sa seat belt law, out-of-line, cutting trip at di rehistradong sasakyan upang mabawasan ang problema sa mga lansangan at tuloy madagdagan ang income ng pamahalaan," pahayag ni Berroya.

Kaugnay nito, inihayag naman ni LTO Asst. Director Camilo Guarin na may 10 pulis ang kinuha ng kanilang tanggapan upang higit na mapagbuti ang paghuli sa mga lumalabag sa batas trapiko.

Ayon pa kay Berroya, patuloy ang ‘self-cleansing’ sa mga tauhan ng LTO sa National Capital Region upang maglaho ang katiwalian at mapabuti ng mga tauhan ang pagseserbisyo sa publiko. (Ulat ni Angie de la Cruz)

ANGIE

AYON

BERROYA

CRUZ

DIRECTOR CAMILO GUARIN

DIRECTOR REY BERROYA

ENERO

LAND TRANSPORTATION OFFICE-NATIONAL CAPITAL REGION

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with