Mag-ina tiklo sa cyber porno
February 5, 2005 | 12:00am
Naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang mag-ina sa pagkakaroon ng isang internet pornography site na nakabase sa Estados Unidos at ibat ibang paraphernalia sa cybersex operation sa Cavite City.
Ang mga suspect na kinilalang sina Thelma Labarda at anak nitong si Christine, 26, kapwa residente ng Block 18, Lot 18, Area 8, Queensrow, Molino, Bacoor, Cavite.
Sa report ni Anti-Fraud & Computer Crimes Division Chief Efren Meneses, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagmamantina ng mag-ina ng internet pornography site sa loob ng kanilang bahay kaya sinalakay ito ng mga awtoridad sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Eduardo Israel ng Bacoor Regional Trial Court (RTC).
Nakumpiska sa mga ito ang isang main computer server, sex toys o mga dildo, mahahalay na mga babasahin, pasaporte ng mga Pilipinang modelo, blankong postal identification cards, drivers license ng mga modelo at sari-sari pang uri ng mga paraphernalia.
Nadiskubre naman sa pagsusuri ng NBI forensic laboratory sa server ang registration sa isang website sa Estados Unidos ni Christine Labarda para mag-operate ng internet site sa Pilipinas. Nabigo naman ang pagtatangka ng mga ito na suhulan ang mga NBI agents na umaresto sa kanila.
Ang mag-ina ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9208, paglabag sa passport law at direct bribery sa State Prosecutors Office ng Department of Justice (DOJ). (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended