Kalaboso naghihintay kay Osang
February 5, 2005 | 12:00am
Kalaboso ang naghihintay sa sexy at bold actress na si Rosanna Roces makaraang ibasura kahapon ng korte ang inihain nitong motion to lift warrant of arrest.
Ayon kay Atty. Marjorie de Castro, Clerk of Court ng Branch 66, Makati City Regional Trial Court (RTC), tinanggihan nila ang mosyon ni Roces, Jennifer Molina sa tunay na buhay na kilala sa taguring Osang at wala ring nakalagay na petsa ng pagdinig kaugnay ng hirit ng bold actress.
Sinabi pa ni de Castro na bagamat may nakalagay na medical certificate sa naturang mosyon ay photo copy lamang at wala rin ang orihinal na kopya nito.
Nabatid na hindi mismong si Osang ang nagsumite ng mosyon sa korte at hindi rin ang abogado ng aktres dahilan ipinahatid lamang umano ang dokumento sa isang mensahero.
Bunga nito, nakababa pa rin ang bench warrant laban kay Osang na nagtatago na umano matapos na bulabugin na ito kamakalawa ng mga tauhan ng Warrant Section ng Makati City Police Station.
Ayon sa mga pulis ng sadyain nila ang bahay ni Osang sa Quezon City ay nabatid na dalawang araw na itong hindi umuuwi doon. Nagsadya rin ang mga operatiba sa talyer nito sa nabanggit na lungsod pero nakaalis na umano ang bold star.
Napag-alaman na sinisisi ni Osang ang umanoy kapabayaan ng kanyang abogado sa pagpa-follow-up sa kaso nitong libelo na isinampa ni Dra. Vicki Belo matapos nitong siraan ang huli na hindi umano lisensiyadong doktor at walang karapatan na magsagawa ng liposuction. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest