Puslit na cellphones at imported goods,nasabat
January 16, 2005 | 12:00am
Milyong pisong halaga ng mga cellphones at ibat ibang mga imported goods ang nalambat ng mga elemento ng National Anti-Smuggling Task Force (NASTF) sa magkakahiwalay na lugar sa San Juan, Quezon City at Maynila.
Ayon kay NASTF chief at DILG Secretary Angelo Reyes, tinatayang aabot sa 304 units ng mga cellphones at isang container van na naglalaman ng mga imported goods ang nasabat ng kanyang mga tauhan sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon.
Lulan sa dalawang L300 van ang may 304 nasabat na cellphones.
Kaugnay nito, pinaghahanap din ng mga awtoridad ang isang Raj Kumar Tolani, isang Indian national na sinasabing may-ari ng Suraj International na siya umanong nasa likod ng importasyon ng mga puslit na cellphones.
Ang smuggled goods naman ay naka-consign sa isang Kingson International Trading Corporation ay nakumpiska ng NASTF sa Del Pan, Tondo Maynila. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest