^

Metro

2 kilabot na holdaper timbog

-
Dalawang kilabot na holdaper ang dinakip ng mga tauhan ng Central Police District-District Police Intelligence Unit (CPD-DPIU) sa isinagawang follow-up operation matapos na makapambiktima sa Quezon City kahapon.

Positibo namang kinilala ng biktimang si Ernesto Orosco, 43, ang mga suspect na sina Argie Duque-Cruz, 21, ng Quezon City; at Salvador Perez Santos, 53, ng Sampaloc, Manila. Ang mga ito ay kapwa miyembro ng Bahala Na Gang.

Nabawi sa mga nahuling suspect ang Nokia 6210 at relong Seiko ng biktima.

Ayon kay Supt. Rodolfo Jaraza ng CPD-DPIU, kamakalawa ng madaling-araw nang magsagawa ng intelligence patrol sa kahabaan ng Quezon Ave. ang kanyang mga tauhan nang mamataan ang biktima na tulala pa ng mga sandaling iyon.

Matapos na ibigay ang description ng mga suspect ay agad ding kumilos ang grupo at nasundan ang mga salarin sa Sampaloc, Manila na ikinaaresto ng mga ito.

Agad ding sinampahan ng kaso ang mga suspect habang inirekomenda ni Quezon City Prosecutor Luis Cenon Maceren ang P100,000 piyansa bawat isa para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito dahil sa mga kasong paglabag sa Art. 294 ng RPC at City Ordnance. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ARGIE DUQUE-CRUZ

BAHALA NA GANG

CENTRAL POLICE DISTRICT-DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

CITY ORDNANCE

DORIS FRANCHE

ERNESTO OROSCO

QUEZON AVE

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTOR LUIS CENON MACEREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with