Batang lalaki todas sa sunog
January 2, 2005 | 12:00am
Namatay ang isang 10 anyos na batang lalaki matapos na makulong ng apoy sa isa sa tatlong insidente ng sunog na sumalubong sa pagsapit ng Bagong Taon sa Quezon City.
Ang biktima ay nakilalang si Nicko Diaz na namatay sa sunog sa Bagong Barrio, Crame, Quezon City bandang alas-5:28 ng umaga kahapon.
Nabatid na nakulong ng apoy ang bata matapos itong maiwan ng kanyang nagsipag-panic na kasambahay.
Base sa imbestigasyon, tinatayang 70 kabahayan ang natupok sa naturang sunog na hinihinalang sanhi ng depektibong Christmas light na naiwang nakasindi na nag-init hanggang sa lumikha ng apoy.
Kaugnay nito, dalawang sunog pa ang naganap sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City.
Isa rito ay naganap bandang alas-8:35 ng gabi sa K-8 Kamuning, ng lungsod bandang alas-11:05 ng gabi kamakalawa.
Samantalang bandang ala-1:57 naman ng madaling- araw kahapon ng maitala ang sunog sa Marunong St., Teachers Village, dakong alas -2:05 naman ng madaling-araw na kaagad ding naapula. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended