Pulis pinaslang
January 2, 2005 | 12:00am
Napatay ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng dalawang di pa nakilalang armadong lalaki na lulan ng motorsiklo sa harapan ng tahanan nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Dead on arrival sanhi ng tinamong apat na tama ng bala sa katawan sa Tala Medical Center ng lungsod ang biktimang kinilalang si PO2 Andrade Adovas, 42-anyos, nakatalaga sa Sub-Station 3 ng Caloocan City Police na matatagpuan sa Phase I , Bagong Silang.
Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Julian Chavez, may hawak ng kaso, dakong alas-7:15 nang mangyari ang insidente sa labas ng bahay ng biktima sa Phase 4 -B, Package 9, Block 69, Bagong Silang, Caloocan City.
Bago ito ay dalawang kahina-hinalang kalalakihan ang nakitang kausap ng biktima at ilang segundo lamang ay biglang sumulpot sa lugar ang isang motorsiklong Honda Wave na may plakang BK-8910 sakay ang dalawang suspect na agad pinagbabaril ang nasabing pulis.
Matapos ang krimen ay mabilis na tumalilis sa lugar ang mga suspect patungo sa hindi pa malamang destinasyon habang ang biktima ay mabilis na isinugod pang buhay pero nabigo na itong maisalba.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal . 38 pistol at .45 caliber pistol. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest