^

Metro

Bus bumangga sa poste ng PEA, 22 katao grabe

-
Malubhang nasugatan ang 22 katao matapos na bumangga ang isang pampasaherong bus sa isang konkretong poste ng Public Estate Authority (PEA) sa kahabaan ng Coastal Road sa Parañaque kahapon ng umaga.

Agad namang isinugod sa iba’t ibang pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng bali at galos sa katawan.

Sa inisyal report ni SPO4 Reynaldo dela Pena ng Parañaque City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa southbound lane ng Coastal Road sa Brgy. San Dionisio ng nasabi ding lungsod.

Binabagtas ng Jasper Bus Line ang Coastal Road nang biglang magsigsag ang bus at magpanic ang mga pasahero at nagtayuan.

Lalong nataranta ang driver ng bus at nawalan ng kontrol hanggang sa sumalpok sa konkretong poste.

Sinisiyasat ng pulisya ang tunay na dahilan ng pagbangga ng bus sa poste. (Lordeth Bonilla)

BINABAGTAS

BRGY

CITY TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

COASTAL ROAD

JASPER BUS LINE

LALONG

LORDETH BONILLA

MALUBHANG

PUBLIC ESTATE AUTHORITY

SAN DIONISIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with