2 miyembro ng Akyta-Bahay gang arestado
December 19, 2004 | 12:00am
Sa kagustung makapaghanda sa Noche Buena, dalawang miyembrong kilabot na grupong Akyat-Bahay ang naaresto ng pulisya habang nasa akto ang mga itong pinapapalitan sa banko ang nakulimbat na mga tseke at ibibenta naman ang ilang papel de agencia sa Marikina City.
Kinilala ang mga suspect na sina Allan Marcilla, 28, ng Bagong Sibol St., Nangka, Marikina at Pablo Agana, 38, may-asawa, ng Banaba Ext., San Mateo, Rizal.
Pormal namang naghain ng reklamo ang biktimang si Eileen Perez, 58, isang negosyante, ng Wrangler St., SSS Village, Concepcion-Dos, Marikina laban.
Ayon sa ulat ng Marikina PNP, dakong alas-11:40 kahapon ng umaga, umalis ng kanyang bahay ang negosyante nang salisihan ng mga suspect.
Winasak ng dalawang suspect ang grills sa bintana at tinangay ang 7 pirasong managers check, 2 drivers license, 10 papel de agencia, alahas at cash na hindi pa batid ang halaga.
Malayang nakatakas ang dalawa, ngunit sumablay ang mga ito nang magtungo sa RCBC bank sa C&P Mall branch sa Marikina Heights upang i-encash ang mga nabanggit na tseke.
Kasalukuyang nagpapa-blotter ang biktima sa pulisya nang tumawag sa cellphone nito ang banko at inimporma ang dalawang nagpapalit ng tseke na hindi kukulangin sa P100,000. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended