Kinilala ni Supt. Raul Petrasanta, hepe ng pulisya ang mga suspect na sina Rosario Fenellere y Gali alyas Rose, 38, tubong Gandara, Samar at naninirahan sa South Homes Apartelle sa 19 Timog Ave. Q.C. at Tasul Kamlon y Kashu alyas Tas, 27, tubong-Jolo, Sulu ng 117 Mojohuden St. Brgy. Culiat ng nasabi ding lungsod.
Ayon kay Petrasanta, nakatanggap sila ng report na nagsasagawa ng operasyon ang dalawang suspect sa ibat ibang lugar sa lungsod kung kayat agad siyang bumuo ng tracking team na pinamumunuan ni Chief Insp. David Allauigan.
Dakong alas-9 ng gabi noong Huwebes ng isagawa ang buy-bust operation sa bahay mismo ni Fenellere.
Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at nang sa aktong nagbabayaran agad ay inaresto sina Fenellere at Kashu. Ang mga ito ay kakasuhan ng paglabag sa Art. 11. Sec. 5 ng RA 9165 sa Quezon City Prosecutors Office. (Ulat ni Doris Franche)