2 paslit dedo sa sunog
December 19, 2004 | 12:00am
Dalawang bata ang naiulat na nasawi sa sunog bunga ng nag-overheat na Christmas lights at sumabog na jeep sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City at Maynila kahapon.
Sa Quezon City, namatay si Ricky Suarez, 5, ng Brgy. Commonwealth nang masunog ang kanilang bahay dakong ala-1 ng madaling-araw. Nagtamo ito ng sunog sa katawan at suffocation.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nag-overheat ang Christmas lights ng pamilya Suarez hanggang sa mabilis na kumalat ang apoy.
Nabatid na sabay-sabay na lumabas ng bahay ang mag-anak subalit hindi napansin ng ama ng biktima ang pagbalik nito sa nasusunog na bahay upang kunin ang paboritong laruan.
Dala ng malakas na apoy, hindi nagawa pang iligtas ng mga tauhan ng BFP ang bata.
Kamakailan ay nagbabala rin ang BFP at Department of Trade and Industry sa publiko na tiyaking hindi palsipikado ang kanilang mga binibiling ilaw at dapat na patayin ang Christmas lights bago matulog.
Itoy bunsod na rin ng sunud-sunod na insidente ng mga sunog kung saan ito rin ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng anak ni House Speaker Jose De Venecia na si Kristina Casimira.
Samantala, natusta rin si Grachel Ann Amat, 1, na naninirahan sa isang pampasaherong jeep na pag-aari ni Danilo Villar ng Sevilla Ext. sa Tondo, Maynila.
Dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing pampasaherong jeep makaraang maglaro ng posporo ang nakatatandang kapatid nito.
Mabilis na tinupok ng apoy ang jeep kung saan natutulog ang biktima. Wala naman ang mga magulang ng biktima na sina Marichael at Jerry Amat.
Nagawang makalabas ng kapatid ng biktima habang ito ay naiwan sa loob ng jeep hanggang sa tuluyang lamunin ng apoy. (Ulat nina Doris Franche at Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended