Apo ni Dolphy binaril, patay
December 19, 2004 | 12:00am
Nabaril at napatay ang apo ni Comedy King Dolphy ng mga hindi kilalang tinedyer habang papauwi galing ng Simbang Gabi sa Quezon City kahapon ng umaga.
Dead-on-arrival sa Chinese General Hospital ang biktimang si Jelom Carlo Quizon, 14, ng #9 Economic St., GSIS Village, Project 8, Quezon City dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa dibdib. Si Jelom ay anak ni Edgar Quizon.
Samantala, ginagamot pa rin sa nasabing pagamutan ang mga kaibigan ni Quizon na sina Angelo Abangan, 19, ng #28 Premium St., GSIS Village at Gener Balangkit, 17, ng Genito Apartment Visayas Ave. na nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa binti at tiyan.
Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-5:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Malindang St. at A. Bonifacio Ave., La Loma, Quezon City.
Nabatid na kasalukuyang naghihintay ng masasakyan ang biktima kasama ang dalawang kaibigan matapos magsimbang-gabi.
Matapos na bumulagta ang tatlo ay mabilis na tumakas ang mga suspect sa hindi pa batid na destinasyon.
May teorya naman ang mga imbestigador na posibleng may kinalaman sa fraternity war ang nasabing insidente.
Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa tunay na motibo ng pamamaril. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended