Mister nang-dedma, dinedo
December 5, 2004 | 12:00am
Nasawi ang isang mister matapos na mapagbalingang bugbugin at saksakin ng anim na kalalakihan nang hindi itinuro ng una kung nasaan ang hinahabol ng mga huli, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Namatay habang ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng matinding bugbog at saksak na tinamo sa katawan ang biktimang si Rodolfo Ramos, 39, tireman ng Sawata, Area 1, Dagat-Dagatan, Maypajo ng nasabing lungsod.
Arestado naman ang isa sa mga suspect na si Ronald Dedales, habang pinaghahanap pa ang mga kasamahan nito na sina Jonathan Reyes, kapatid nitong si Nelson, Anthony Fernandez at dalawa pang nakilala lamang sa alyas na Ogie at Balat.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Alberto Eustaquio, may hawak ng kaso, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Sawata malapit sa isang fishpond.
Ayon sa ulat, isang nagngangalang Mark Delan ang unang nakitang hinahabol ng mga suspect hanggang sa madaanan ng mga ito ang biktima na nakaupo sa gilid ng kalsada.
Sinabi ng ilang saksi na tinanong ng mga suspect ang biktima kung nakita nito kung saan tumungo ang kanilang hinahabol ngunit binalewala lamang ito ni Ramos.
Dahil dito, napunta sa biktima ang galit ng mga suspect na agad na pinagsisipa at binugbog, isa pa sa mga suspect ang nagturok ng samurai sa likod nito na naging dahilan ng pagkasawi ng biktima.
Matapos ito, mabilis na nagsitakas ang mga suspect sa magkakahiwalay na direksyon ngunit naaresto naman ng mga nagrespondeng awtoridad si Dedales, habang agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima na hindi rin nakaligtas sa kamatayan. (Ulat ni Rose Tamayo

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest