^

Metro

'Anti-hoodlum Task Force' binuo

-
Naglunsad ng isang special unit na ‘Anti-Hoodlum Task Force’ ang Pasay City Police para tutukan at dakpin ang mga snatcher at holdaper na bumibiktima sa EDSA, Magallanes Interchange hanggang Roxas Boulevard.

Nabatid na binuo ang ‘Anti-Hoodlum Task Force’ matapos na rumehistro ang mataas na bilang ng krimen na nagaganap sa nasabing lugar at kadalasan na biktima rito ay mga passers-by, commuters at ilang negosyante.

Napag-alaman na nakipag-coordinate si Councilor Onie Bayona sa pulisya makaraang mag-concentrate lamang ang mga ito sa EDSA, Rotonda area, gayong abot hanggang Magallanes Interchange at Roxas Blvd. ang nasasakupan ng masasamang elemento.

Inihalimbawa ni Bayona ang isang insidente kung saan nabiktima at napatay ang isang editor ng Today na si Jose Luis Villanueva matapos na saksakin sa loob ng pampasaherong bus nang tumanggi itong ibigay ang kanyang cellphone sa mga holdaper.

Kamuntik namang napatay ang pulis na si PO3 Edgar Muscosa, motorcycle operative matapos itong barilin ng inarestong holdaper. Halos isang buwan nang naka-confine sa ospital si Muscosa sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib at lalamunan nito.

Matapos na pag-aralan ni Bayona ang pag-usbong ng krimen sa nasabing lugar, hinikayat nito ang mga residente na maging alerto at makipag-ugnayan sa Pasay Police para sa agarang ikadarakip ng mga snatcher at holdaper.

Ang naturang kampanya laban sa krimen ay suportado ni Pasay City Mayor Wenceslao ‘Peewee’ Trinidad. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANTI-HOODLUM TASK FORCE

BAYONA

COUNCILOR ONIE BAYONA

EDGAR MUSCOSA

JOSE LUIS VILLANUEVA

LORDETH BONILLA

MAGALLANES INTERCHANGE

PASAY CITY MAYOR WENCESLAO

PASAY CITY POLICE

PASAY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with