5 huli sa shabu
December 5, 2004 | 12:00am
Limang kalalakihan ang nadakip ng mga tauhan ng Central Police District-Kamuning Police Station habang nagpa-pot session kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kasalukuyang nakakulong sa nasabing himpilan ng pulisya ang mga suspect na nakilalang sina Archie Madrigal, 24; Basip Arsan, 25; Satar Isla, 21; Nasser Silongan, 33; at Eddie Alejandro, 22, pawang mga tubong-Cotabato City at residente ng Cadena de Amor St., Agham Road, NAPOCOR Squatters ng nasabing lungsod.
Ayon kay Supt. Edgardo Pamittan, hepe ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi nang makatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagsasagawa ng pot session ang limang suspect sa kanilang bahay.
Agad na tinungo ng mga awtoridad ang lugar at nahuli sa akto ang mga ito na sumisinghot pa ng shabu.
Nakuha sa mga suspect ang pitong plastic sachet ng shabu at shabu paraphernalia.
Sinabi ni Pamittan na maraming residente ang nagrereklamo na ginagawang ilegal ng mga suspect na nakakaimpluwensiya pa ng ibang kabataan.
Naniniwala si Pamittan na hindi lamang user ang mga ito kundi pusher din ng shabu sa ilang lugar sa lungsod. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 27, 2025 - 12:00am
January 25, 2025 - 12:00am