Atong Ang magpa-Paskong kulungan sa 'Pinas?
November 14, 2004 | 12:00am
Nagpahayag ng paniniwala si National Bureau of Investigation (NBI) director Reynaldo Wycoco na posibleng mag-Pasko sa kulungan si Charlie "Atong " Ang kung matuloy ang pagbabalik nito sa bansa.
Ayon kay Wycoco, may desisyon na ang Nevada District Court na maari nang ma-extradite para makabalik ng bansa ang dating consultant ng PAGCOR at kaibigan ni dating Pangulong Joseph Estrada na kasama rin sa kinasuhan ng plunder case sa Special Division ng Sandigang Bayan.
Matatandaan na tiniyak ni US Legal Attache Jeff Cole sa Department of Justice (DOJ) na magiging mabilis ang proseso sa pagbabalik kay Ang lalo pat kumbinsido umano ang US District Court ng Nevada na may sapat na batayan upang i-extradite si Ang.
Idinagdag pa ni Wycoco na bagamat binigyan pa ng ilang araw para mag-apela si Ang sa kanyang kaso posible umano i-deny ng Nevada District Court ang inihaing motion ni Ang at dahil dito ay inaasahan na ang mabilis na pagbabalik nito sa bansa. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended