US Embassy, oil depot bawal ng daanan NCRPO
November 7, 2004 | 12:00am
Ipagbabawal na ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa susunod na linggo ang pagdaan sa US Embassy at Pandacan Oil Depot simula alas-10 ng gabi hanggang alas 6 ng umaga.
Ayon kay NCRPO Director Avelino Razon, ang pansamantalang pagbabawal ay bunsod na rin ng ginawang pambobomba ng hindi pa nakikilalang grupo sa tanggapan ng Petron at Caltex kamakalawa ng umaga sa Makati City.
Aniya,ipinatutupad na lamang muna niya ang re-routing sa mga daan na kinatitirikan ng mga embahada sa bansa at iba pang vital installations upang matiyak na hindi makakalusot ang sinumang nais na manakot at maggulo.
Sinabi ni Razon na inutos na rin niya ang mahigpit na pagbabantay sa mga matataong lugar na posibleng targetin ng mga makakaliwang grupo. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended