3 kilabot na holdaper timbog sa Pasig, Parañaque
November 7, 2004 | 12:00am
Tatlong kilabot na holdaper ang nasakote ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na insidente sa Pasig at Parañaque.
Sa Pasig City nadakip ang mga suspect na sina Alejo Carpio, 21, at Arnel Jarlego, 24, kapwa residente ng Marikina City matapos na makilala ng ilan sa mga biktima na sina Danilo Cabahug, Carmelita Butihin at Mary Jane Berog sa isinagawang follow up operation ng mga tauhan ng Pasig City Police.
Nabatid na dakong alas- 5:30 kamakalawa ng hapon nang sumakay ang mga suspect sa isang FX at nagpanggap na pasahero.
Nasa kahabaan na sila ng Ortigas Ave. flyover nang magdeklara ng holdap ang mga suspect at kinuha ang alahas ng mga biktima.
Nakahingi naman ng tulong ang mga biktima at agad na hinanap ang mga suspect hanggang sa makita ang mga ito at makuha ang alahas, pera at baril na ginamit ng mga ito sa panghoholdap.
Samantala, nahuli din si Rodolfo Escasinas, 20, miyembro ng Tutok-Kalawit Gang na responsable sa panghoholdap kay Jobert Bobis, 17, service crew ng Jollibee sa Parañaque habang nakatakas naman ang dalawang kasamahan nito na sina Joel Libardo at Joey Castro.
Napag-alaman na naglalakad ang biktima sa harap ng Uniwide Sales sa Sucat Parañaque nang dikitan at tutukan ito ng patalim ng mga suspect at kunin ang P5,000 cash at ATM card na naglalaman ng P1,500.
Agad na humingi ng tulong ang biktima sa pulisya kung kayat nadakip si Escasinas subalit nakatakas naman ang dalawa pa. (Edwin Balasa at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended