Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Alfredo Graspela, 54, ng 303 Sandico St., Tondo matapos na barilin ng dalawang ulit ng .45 baril ng suspect na mabilis na tumakas.
Batay sa report ni PO2 Loreto Quejada ng WPD-Homicide Division, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa isang tupadahan sa panulukan ng Morga Ext. at Sto. Niño St. ng nasabing lugar.
Nabatid na hawak ng biktima ang isang manok na kanyang ilalaban nang bigla itong lapitan ng isang lalaki na may taas na 55 hanggang 57, nasa edad na 40 hanggang 45 at nakaitim na jacket at pinaputukan ng dalawang ulit.
Kaswal na lumabas ng tupadahan ang suspect at sumakay ng isang tricycle.
Posible umanong may atraso ang biktima kung kayat ginantihan ito ng suspect. (Gemma Amargo)