^

Metro

Imbestigasyon sa 'Martinez slay', lumalabo

-
Aminado ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na wala silang hawak na matibay na ebidensiya kung kaya wala silang mahuling mastermind sa pagpatay kay Supt. Manolo Martinez sa tabi mismo ng Station 8 ng WPD sa Sta. Mesa, Manila.

Ayon kay NCRPO chief Director Avelino Razon, hindi sapat ang kanilang hawak na ebidensiya kung kaya bagama’t tukoy na nila ang utak sa pagpaslang kay Martinez ay hindi pa nila ito madampot.

Una nang inaresto ng mga awtoridad si Jun Felizardo na umano’y responsable sa pamamaslang kay Martinez noong Oktubre 18.

Sinabi pa ni Razon na patuloy ang kanilang follow-up operation at nagtutulung-tulong na ang lahat ng yunit ng WPD at iba pang grupo sa PNP para kumalap ng matitibay na ebidensiya sa kaso.

Mayroon na umano silang mga lead sa imbestigasyon subalit hinihintay pa nila ang bunga ng kanilang report.

Inamin din ni Razon na mahirap tukuyin ang utak sa naturang insidente kung saan hindi lang isang anggulo ang kanilang tinitingnan.(Ulat ni Angie dela Cruz)

AMINADO

ANGIE

AYON

CRUZ

DIRECTOR AVELINO RAZON

INAMIN

JUN FELIZARDO

MANOLO MARTINEZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with