^

Metro

Pulis, 2 pa tugis sa murder

-
Pinaghahanap ang isang pulis at dalawa nitong kasabwat matapos na patayin ang live-in partner ng una sa Malabon City.

Base sa nakalap na impormasyon kay PO2 Peter Rios, may hawak ng kaso, ang pinaghahanap na parak ay si PO2 Manolo Caoili, nakatalaga sa Maritime Police. Hindi pa mabatid ang pangalan ng dalawang kasabwat ng pulis sa pagpaslang sa biktimang si Lourdes Reyes, 29, ng Arayat St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang insidente noong nakalipas na Oktubre 18 ng taong kasalukuyan dakong alas-8 ng gabi sa compound ng Caltex Gasoline Station na matatagpuan sa kahabaan ng Mac Arthur Highway sa Barangay Potrero sa Malabon City.

Sinabi ng mga kaanak ng biktima na bago ang insidente ay tumawag ang suspect na pulis sa cellphone ni Reyes at pinapapunta ang huli sa naturang gasolinahan para doon bigyan ng pera.

Agad namang umalis ang biktima para magtungo sa tagpuang lugar, na doon habang hinihintay ang pulis ay biglang sumulpot ang dalawang hindi nakikilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo.

Nabatid pa sa pulisya na bigla na lamang pinaputukan ng isa sa mga suspect ang biktima kung saan tinamaan ito sa leeg na naging dahilan ng kamatayan nito.

Mabilis namang pumuga ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.

Ayon pa sa pulisya, ilang ulit na umano nilang inimbitahan si PO2 Caoili na magtungo sa kanilang himpilan ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito nagpapakita. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ARAYAT ST.

AYON

BAGONG BARRIO

BARANGAY POTRERO

CALOOCAN CITY

CALTEX GASOLINE STATION

LOURDES REYES

MAC ARTHUR HIGHWAY

MALABON CITY

MANOLO CAOILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with