Marami ang nagpatunay na nagmumulto umano ang nasawing opisyal kung saan sari-saring kalabog ang naririnig sa ikalawang palapag ng Station 8 ng WPD na doon nag-oopisina ang opisyal.
Dakong alas-11 kahapon ng umaga nang tuluyang inalis ang labi nito sa WPD headquarters para i-cremate sa Funeraria Paz.
Sa paligid ng WPD headquarters nakaladlad ang ibat ibang streamers na iisa lamang ang nakasulat ang, "Justice For Col. Martinez" at "Katarungan para kay Col. Manolo Martinez."
Ginawa ito ng Manilas Finest Brotherhood Association Inc., na karamihan ay hindi rin naniniwala na kasangkot sa kaso ang dinakip na si Felizardo.
Ayon pa sa mga pulis na tumangging magpabanggit ng pangalan na maging ang umanoy aarestuhing utak sa mga susunod na araw ay posibleng ding fall guy.
"Gagawin nila yan para lang mapanindigan ang kanilang sinabi at para lumabas na lutas na ang kaso," anang isang opisyal.
Matatandaang agad na nagpahayag si Mrs. Lucila Martinez, maybahay ng nasawing si Col. Martinez na hindi siya naniniwala na kagagawan ng grupong Partisano ang pagpaslang sa kanyang kabiyak.
Pinanindigan nito ang paniwalang kapwa kasamahan ng kanyang asawa na may personal na motibo o inggit sa trabaho ang nagpakana ng pagpaslang.
Ibinigay na rin nito ang mga pangalan sa pamunuan ng PNP para maaksiyunan. (Ulat nina Gemma Amargo at Angie dela Cruz)