^

Metro

"Katarungan kay Col. Martinez", sigaw ng WPD Brotherhood

-
Bagama’t maituturing na isa sa pinakamahusay na opisyal ng Western Police District (WPD), mailap pa rin ang hustisya kay Supt. Manolo Martinez at pamilya nito dahil sa gumagala pa rin ang utak at ilang suspect sa pagpaslang sa una, habang pinagdududahan naman ang naarestong suspect na si Jun Felizardo.

Marami ang nagpatunay na nagmumulto umano ang nasawing opisyal kung saan sari-saring kalabog ang naririnig sa ikalawang palapag ng Station 8 ng WPD na doon nag-oopisina ang opisyal.

Dakong alas-11 kahapon ng umaga nang tuluyang inalis ang labi nito sa WPD headquarters para i-cremate sa Funeraria Paz.

Sa paligid ng WPD headquarters nakaladlad ang iba’t ibang streamers na iisa lamang ang nakasulat ang, "Justice For Col. Martinez" at "Katarungan para kay Col. Manolo Martinez."

Ginawa ito ng Manila’s Finest Brotherhood Association Inc., na karamihan ay hindi rin naniniwala na kasangkot sa kaso ang dinakip na si Felizardo.

Ayon pa sa mga pulis na tumangging magpabanggit ng pangalan na maging ang umano’y aarestuhing ‘utak’ sa mga susunod na araw ay posibleng ding’ fall guy’.

"Gagawin nila yan para lang mapanindigan ang kanilang sinabi at para lumabas na lutas na ang kaso," anang isang opisyal.

Matatandaang agad na nagpahayag si Mrs. Lucila Martinez, maybahay ng nasawing si Col. Martinez na hindi siya naniniwala na kagagawan ng grupong Partisano ang pagpaslang sa kanyang kabiyak.

Pinanindigan nito ang paniwalang kapwa kasamahan ng kanyang asawa na may personal na motibo o inggit sa trabaho ang nagpakana ng pagpaslang.

Ibinigay na rin nito ang mga pangalan sa pamunuan ng PNP para maaksiyunan. (Ulat nina Gemma Amargo at Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

FINEST BROTHERHOOD ASSOCIATION INC

FUNERARIA PAZ

GEMMA AMARGO

JUN FELIZARDO

JUSTICE FOR COL

MANOLO MARTINEZ

MRS. LUCILA MARTINEZ

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with