Ayon kay Labordo, posibleng umabot sa 5,000 ang bilang ng preso sa QC Jail dahil marami sa preso ang mahihirap at hindi kayang maglagak ng piyansa na P200,000.00. Nakakapagpiyansa lamang ang mga mahihirap na inmate kung dadaan sila ng surety bond.
Aniya, sa ngayon, umaabot na sa 3,414 ang bilang ng mga inmate sa QC Jail samantalang ang kapasidad lamang nito ay 800.
Ipinaliwanag ni Labordo na ang suspensiyon ng paggamit ng surety bond ay upang maiwasan ang paglaganap ng mga pekeng kompanya nito o iyong mga tinatawag na "fly-by-night" surety bond.
Dahil dito, aminado si Labordo na patuloy pa rin ang pagdami ng preso sa kabila ng mga decongestion program ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ng Quezon City government tulad ng speedy trial. (Ulat ni Doris Franche)