^

Metro

Pagdami ng preso sa QC Jail, pinangangambahan

-
Pinangangambahan ni Quezon City Jailwarden Supt. James Labordo ang lalo pang pagdami ng mga inmate sa naturang piitan matapos na patuloy na sinususpinde ng Korte Suprema ang paggamit ng surety bond sa mga preso na nagnanais na makapagpiyansa.

Ayon kay Labordo, posibleng umabot sa 5,000 ang bilang ng preso sa QC Jail dahil marami sa preso ang mahihirap at hindi kayang maglagak ng piyansa na P200,000.00. Nakakapagpiyansa lamang ang mga mahihirap na inmate kung dadaan sila ng surety bond.

Aniya, sa ngayon, umaabot na sa 3,414 ang bilang ng mga inmate sa QC Jail samantalang ang kapasidad lamang nito ay 800.

Ipinaliwanag ni Labordo na ang suspensiyon ng paggamit ng surety bond ay upang maiwasan ang paglaganap ng mga pekeng kompanya nito o iyong mga tinatawag na "fly-by-night" surety bond.

Dahil dito, aminado si Labordo na patuloy pa rin ang pagdami ng preso sa kabila ng mga decongestion program ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ng Quezon City government tulad ng speedy trial. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ANIYA

AYON

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DORIS FRANCHE

JAMES LABORDO

KORTE SUPREMA

LABORDO

QUEZON CITY

QUEZON CITY JAILWARDEN SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with