Binata ligtas sa bugbog, pero nadedo sa lunod
October 13, 2004 | 12:00am
Nakaligtas nga sa pagkabugbog sa naganap na rambol, kamatayan naman ang naging sukli sa pagtalon ng isang 20-anyos na lalaki sa Ilog Pasig makaraang malunod ito, kamakalawa ng gabi sa Sta. Ana, Maynila.
Nakilala ang biktima na si Michael Rancudo, binata ng 2849 Road 1 Subdivision, Barreto St., Pandacan.
Isa naman sa apat na mga suspect na nauna nang nambugbog sa biktima ang nakilalang si Ellan del Rosario, 20, ng #1711 2nd St., DPWH Compound, Punta, Sta. Ana.
Sa ulat ng WPD-Homicide Division, lumutang ang katawan ng biktima dakong alas-11 ng gabi sa may Ilog Pasig sa likod ng isang bodega sa may Romualdez St., Ermita, Maynila.
Nabatid na tumalon ito sa ilog dakong alas-6 ng gabi noong nakaraang Sabado matapos na takasan ang grupo ng suspect na nambugbog sa kanya malapit sa Tenement Bldg. sa Punta, Sta. Ana.
Nabatid na hindi nakayanan ni Rancudo ang dami ng mga kaaway at upang makaiwas ay tumalon nga ito sa ilog.
Ayon pa sa mga saksi, nagawa pang makalangoy ng may 200 metro ng biktima ngunit nang mapagitna ito sa ilog ay tinangay ito ng malakas na agos ng tubig hanggang sa tuluyang malunod. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended