11-anyos dinos-por-dos ng ama dahil sa P 5 barya
October 12, 2004 | 12:00am
Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang 11-anyos na totoy makaraang paluin ng kanyang ama ng dos-por-dos sa ulo at sa ilang bahagi ng katawan dahil lamang sa nawalang limang piso na pandagdag ng huli sa bibilhing alak, kamakalawa ng gabi sa Sta. Ana, Maynila.
Nakaditene ngayon sa WPD Integrated Jail ang suspect na si Jeffrey Apuya, 31, walang trabaho, ng Road 3 Tabia St., Sta. Ana habang inoobserbahan naman sa pagamutan ang kanyang anak na itinago sa pangalang Jeff.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang walang habas na panggugulpi ni Apuya sa anak dakong alas-7 ng gabi sa loob ng kanilang bahay.
Nabatid na inutusan ni Apuya na noon ay nakikipag-inuman sa barkada ang kanyang anak na kunin ang limang pisong barya na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Ilang sandali pa ay bumalik ang anak na hindi dala ang limang piso na ipinakukuha, dito na nag-init ang ulo ng amang suspect.
Mabilis na kumuha ng dos-por-dos ang suspect ay walang habas na pinagpapalo sa anak. Napigil lamang ang pananakit ng suspect sa anak nang dumating na ang mga opisyal sa barangay.
Sinabi naman ni Apuya na sinagut-sagot daw siya ng kanyang anak at sinigawan pa siya na magnanakaw, magnanakaw sa harap umano ng kanyang barkada kaya niya nasaktan ito.
Nahaharap ang suspect sa mga kasong serious physical injuries at child abuse. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended